^

PSN Palaro

PAGCOR dinagdagan ang suporta sa PSC

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tumaas ng halos P25 milyon ang perang nakukuha ng Philippine Sports Commission (PSC) mula PAGCOR nitong nakaraang buwan.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia u­mabot sa P80 milyon ang nai-remit ng PAGCOR sa PSC na napupunta sa National Sports Development Fund (NSDF) ng ahensya.

“For so many months the PSC is getting P50 to 55 million from PAGCOR.Pero the past months, the remittance came in the tune of P80 to P85 million for an increase of P25 million. We really welcome the increase,” ani Garcia.

Dahil buo na ang budget para sa mga NSAs sa taong ito kaya’t ang dagdag na pera ay ipapasok sa budget ng PSC sa susunod na taon.

May plano naman si Garcia na gamitin ito para itaas pa ang nakukuhang allowances ng mga atleta, partikular na ang mga naghahatid ng karangalan sa bansa.

Bukod pa ito sa mga coaches at ang posibilidad na taasan ang bilang ng mga developmental pool lalo pa’t dito papasok ang mga bagong mukha na nadiskubre sa mga grassroots program ng PSC na Batang Pinoy at Philippine National Games.

Nasabi na ito ni Garcia sa Philippine Olympic Committee (POC) sa isinagawang expanded board meeting noong Miyerkules.

Sang-ayon si POC president Jose Cojuangco Jr. sa plano ni Garcia na taasan ang pondo sa developmental pool.

ACIRC

ANG

BATANG PINOY

GARCIA

JOSE COJUANGCO JR.

MGA

NATIONAL SPORTS DEVELOPMENT FUND

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with