^

PSN Palaro

PSL tankers pa-Japan ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aalis ngayon araw ang delegasyon ng Philippine Swimming League (PSL) patungong Tokyo, Japan para lumangoy sa 2015 Japan Swimming Cham­pionship na gaganapin mula Nobyembre 14 hanggang 17.

Ang koponan ay binubuo ng 16 tankers na magtatangkang humablot ng medalya sa naturang kumpetisyon na lala­ngu­yan ng mahuhusay na swimmers sa rehiyon kabilang na ang powerhouse China at host Japan.

Mangunguna sa de­le­gasyon sina Swimmers of the Year Sean Terence Zamora ng University of Santo Tomas at Kyla Soguilon ng Kalibo Sun Yat Sen School, kasama sina Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque, Drew Magbag, Lans Rawlin Donato at Charize Esmero ng University of the Philippines.

Sina Paul Christian King, Paula Carmela Cu­sing, Rio Lorenzo Malapitan, Heather White, Ruben White, Kobe Soguilon, Edmundo Jose Tolentino, Juana Amor Cervas, Lucio Cuyong II at Angela Claire Torrico ang kukumpleto sa mga panlaban ng PSL.

Walang ibinigay na medal forecast si PSL president Susan Papa ngunit tiwala siyang ma­bibigyan ng mga isasabak na swimmers ng magandang laban ang mga katunggali.

ACIRC

ANGELA CLAIRE TORRICO

CHARIZE ESMERO

DREW MAGBAG

EDMUNDO JOSE TOLENTINO

HEATHER WHITE

IMMACULATE HEART OF MARY COLLEGE-PARA

JAPAN SWIMMING CHAM

JUANA AMOR CERVAS

KALIBO SUN YAT SEN SCHOOL

KOBE SOGUILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with