^

PSN Palaro

Full force ang Gilas 4.0

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumipot sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Greg Slaughter at Jeff Chan para sa unang ensayo ng Gilas Pilipinas 4.0 noong Lunes sa Meralco Gym.

Kaya naman hindi naitago ni coach Tab Baldwin ang kanyang kasiyahan nang makita ang mga miyembro ng 17-man national pool.

“It’s nice to have the cream of the Philippine basketball crop all on one court,” sabi ni Baldwin sa perfect attendance ng 17-player pool sa Day One ng paghahanda ng Gilas Pilipinas 4.0 para sa 2016 Olympic world qualifier. “It was 100-percent attendance, so I’m 100-percent happy.”

Hindi naman nakarating si injured forward Ranidel de Ocampo.

Bagama’t may injury ay dumating din si Paul Lee kagaya nina Calvin Abueva ng Alaska. Bumisita rin sina Gilas 3.0 team captain Dondon Hontiveros, Gary David at JC Intal bagama’t hindi na kasama sa bagong Gilas pool.

Bago simulan ang una nilang ensayo ay kinausap muna ni Baldwin ang koponan sa conference room at tinalakay ang kanilang kailangang gawin para makuha ang tiket sa 2016 Rio Olympics.

Walang isa mang miyembro ng Gilas 4.0 ang isinilang nang huling maglaro ang Pilipinas sa quadrennial games noong 1972 sa Munich na pinamunuan nina Bogs Adornado, Jimmy Mariano at Robert Jaworski.

Magsasanay ang national pool tuwing Lunes hanggang matapos ang PBA second conference kung saan sila lalo pang maghahanda para sa Olympic wildcard play stint. (NB)

ACIRC

ANG

BALDWIN

BOGS ADORNADO

CALVIN ABUEVA

DAY ONE

DONDON HONTIVEROS

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

GREG SLAUGHTER

JAPETH AGUILAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with