Power Innovation lusot sa PCU sa 5th DELeague
Laro Ngayon (Marikina Sports Center)
7 p.m. Fly Dragon Logistics vs Metro Pacific Toll Corporation
8:30p.m. Mindanao Aguilas vs Our Lady of Fatima University
MANILA, Philippines - Sumandal ang Power Innovation Philippines sa huling basket ni Ronald Roy para itakas ang 70-67 panalo laban sa Philippine Christian University noong Linggo ng gabi sa pagpapatuloy ng 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.
Mula sa huling deadlock sa 67-all, isinalpak ni Roy ang kanyang dalawang freethrows para ihatid ang koponan sa ikalawang panalo matapos ang tatlong laro at ipalasap sa Dolphins ang unang kabiguan.
Tumapos si Roy ng 19 puntos, 11 rebound at 6 assists.
Samantala, winakasan naman ng Austen Morris Association ang kanilang kamalasan nang patalsikin na sa kontensyon ang Philippine National Police-Quick Print, 86-71 sa ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA–Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at Mr. and Mrs. Dot Escalona.
- Latest