^

PSN Palaro

Mayweather pinatutsadahan uli si Pacman

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para kay Floyd Mayweather Jr. ang pagbanggit ni Manny Pacquiao sa kanyang pangalan ay para lamang makakuha ng interes ukol sa sinasabing pinakahuling laban ng Filipino boxing superstar.

Galit na iginiit ni Mayweather kahapon na wala siyang balak na labanang muli si Pacquiao sa susunod na taon.

“What they’re doing is this, once again, piggy­backing off my name to sell pay-per-view numbers when he do go out there and fight again,” wika ni Mayweather sa panayam ng FightHype.com.

Dalawang beses binanggit ni Pacquiao ang pagkakaroon ng negosas­yon sa pagitan ng kanilang mga kampo ni Mayweather para sa isang rematch sa 2016.

Maski si Bob Arum ng Top Rank Promotions ay nagulat sa pahayag ng Filipino world eight-division champion.

Sinabi ni Arum na hindi na mangyayari ang rematch nina Pacquiao at Mayweather dahil nagretiro na ang American world five-division titlist noong Setyembre matapos talunin si Andre Berto at mapantayan ang record na 49-0-0 win-loss draw card ni heavyweight legend Rocky Marciano.

 

ACIRC

ANDRE BERTO

BOB ARUM

DALAWANG

FLOYD MAYWEATHER JR.

GALIT

MAYWEATHER

PACQUIAO

ROCKY MARCIANO

TOP RANK PROMOTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with