Ana kay Manny: Si Lucas ang labanan
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni WBO/IBA female super bantamweight champion Ana (Hurricane) Julaton na labanan ni Manny Pacquiao si Argentine slugger Lucas Matthysse para sa pinakahuling laban nito sa April 9, 2016.
Si Matthysse ang pinakabagong naidagdag sa guessing game para labanan ni Pacquiao, kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe.
Ang iba pa ay sina Terence Crawford, Timothy Bradley, Amir Khan, Danny Garcia at Juan Manuel Marquez.
Hinamon naman ni Julaton, isang Fil-Am mula sa San Francisco, ang kapatid ni Matthysse na si Edith Soledad, ang reigning WBC/WBA featherweight titlist, para sa proposed undercard.
“What’s great is Manny still has a roster of possible opponents to keep him active,” ani Julaton na lalabanan si Russian Irina Mazepa sa ONE Championship mixed martial arts flyweight title eliminator sa Disyembre 11 sa MOA Arena.
Ayon kay Julaton, kung pipiliin ni Pacquiao si Matthysse ay pipilitin naman niyang maitakda ang kanilang laban ng kapatid nito sa undercard.
“If Manny fights Lucas next, they could include myself against Soledad who is the current WBC and WBA 126-pound champion,” ani Julaton.
Nagbitbit ang 33-anyos na si Matthysse ng 27-0 record bago natalo via split decision kay Zab Judah.
Natalo rin si Matthysse kina DeVon Alexander, Garcia at Viktor Postol noong Oktubre.
Ang mga tinalo naman niya ay sina dating world champions Ruslan Provodnikov, Lamont Peterson at Humberto Soto.
- Latest