^

PSN Palaro

Cignal kinuha ang ikalawang semis berth

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes (Cuneta Astrodome, Pasay City

4 p.m. – Foton vs Meralco

6 p.m. -- RC Cola-Air Force vs Philips Gold

MANILA, Philippines – Tuluyan nang inangkin ng Cignal ang ikalawang tiket sa semifinal round, habang isang panalo pa ang kailangan ng Philips Gold.

Tinalo ng HD Spikers ang RC Cola-Air Force Rai­ders, 25-19, 20-25, 25-10, 25-19, sa 2015 Philippine Superliga (PSL) women’s volleyball tournament kahapon sa Malolos Sports and Convention Center.

Sina American imports Ariel Usher at Amanda Anderson ang bumande­ra para masikwat ng Cignal ang 6-2 record at makasama ang Petron sa semifi­nals.

Nagtala si Usher ng University of Portland ng 22 points sa likod ng kanyangd 20 kills, habang may 15 mar­kers si Anderson mula sa kanyang 10 para sa HD Spi­kers.

“Making it to the semifinals has been our goal,” sa­bi ni Cignal coach Sammy Acaylar.

Para naman makapasok sa semis ay kailangan ng Raiders na maipanalo ang kanilang huling tatlong laro.

Sa unang laro, sinibak ng Lady Slam­mers ang Me­ralco Power Spi­kers, 25-12, 26-24, 25-19, para ma­­kalapit sa semis seat.

Kumonekta si American reinforcement Alexis Olgard ng 16 points mula sa kanyang 10 kills at 5 blocks, habang nagdagdag si Myla Pablo ng 13 markers para sa 5-2 record ng Philips Gold ilalim ng Petron (6-2) at Cignal (6-2) kasunod ang Foton (4-3), RC Cola-Air Force (1-6) at Meralco (0-7).

Nagdagdag si import Bojana Todoro­vic ng 9 points.

ACIRC

ALEXIS OLGARD

AMANDA ANDERSON

ANG

ARIEL USHER

BOJANA TODORO

CIGNAL

COLA-AIR FORCE

COLA-AIR FORCE RAI

PHILIPS GOLD

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with