^

PSN Palaro

PLDT Lady Hitters pasok sa semifinals

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. – Army vs Coast Guard

3 p.m. – UP vs Kia Forte

MANILA, Philippines – Hindi nasira ang kum­piyansa ng PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters sa pagkatalo sa second set pa­ra angkinin ang 25-20, 20-25, 25-13, 25-13 panalo sa Navy Lady Sailors sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtulung-tulong muli si­na Aiza Pontillas, Janine Marciano, Rysabelle De­vanadera at Gretchel Soltones upang madomina ang ikatlong set at mabalik ang momentum sa koponan.

Ito na ang ikatlong panalo sa apat na laro ng PLDT  para samahan ang walang talong Army Lady Troopers sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Tumapos si Pontillas taglay ang 13 kills at tig-isang block at ace tungo sa 15 puntos, habang si Marciano ay may 15 puntos din.

Si Devanadera ay may 13 at si Soltones ay may 10 para sa solidong opensa ng Open Confe­rence champion.

Dominado ng PLDT ang lahat ng departamento nang hawakan ang 52-41 bentahe sa spike, 6-4 sa block at 12-2 sa serve.

Si Lizlee Ann Pantone ay may 15 excellent digs para sa 40-36 kalama­ngan pa ng PLDT, habang si Rubie de Leon ay may 33 excellent sets.

Sina Pau Soriano at Li­let Mabbayad ay may 17 at 12 puntos para sa La­dy Sailors.

vuukle comment

ACIRC

AIZA PONTILLAS

ANG

ARMY LADY TROOPERS

COAST GUARD

GRETCHEL SOLTONES

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST LADY HITTERS

JANINE MARCIANO

SAN JUAN CITY

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with