Blue Eagles, Green Archers magtutuos ngayon Tigers dumalawa sa Tams
Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. – NU vs UP
4 p.m. – La Salle vs Ateneo
MANILA, Philippines – Bumangon ang University of Sto. Tomas mula sa 14-point deficit sa second period para palakasin ang tsansa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.
Sinakmal ng Tigers ang Far Eastern University Tamaraws, 85-76, para sa kanilang ika-10 panalo sa second round ng 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Dumikit ang UST (10-3) sa FEU (10-2) at umangat sa Ateneo (8-4), La Salle (5-6), nagdedepensang Natiional University (5-7), University of the East (4-8), University of the Philippines (3-8) at Adamson University (3-10).
Mula sa 22-36 pagkakabaon sa second period ay bumalikwas ang Tigers para makatabla sa halftime, 47-47, at agawin ang 59-57 abante patungo sa 13-point advantage, 78-65, sa 6:34 minuto ng final canto.
Unang tinalo ng UST ang FEU, napigilan ang nine-game winning streak, sa first round, 72-71.
Sa unang laro, pinadapa naman ng sibak nang Falcons ang Red Warriors mula sa 74-71 panalo.
Bagama’t naisuko ang itinayong 20-point lead, 64-44, sa third period ay nagawa naman ng Adamson na madepensahan ang UE sa dulo ng final canto.
Kumayod si import Pappe Sarr ng 22 points at 20 rebounds, habang nagsalpak naman si Joseh Nalos ng dalawang free throws patungo sa ikatlong panalo ng Falcons sa 13 laro.
UST 85 – Abdul 23, Ferrer 21, Bonleon 13, Vigil 13, Daquioag 11, Lee 4, Faundo 0, Sheriff 0, Lao 0, Suarez 0.
FEU 76 – Tolomia 17, Tamsi 15, Belo 12, Pogoy 8, Ru. Escoto 6, Arong 5, Jose 4, Orizu 4, Trinidad 3, Iñigo 2, Dennison 0, Ebona 0, Ri. Escoto 0.
Quarterscores: 19-30; 45-45; 69-59; 85-76.
- Latest