Kakulangan sa ‘higanteng player’ tatapusin ni Turo
MANILA, Philippines – Malapit nang magwakas ang kakulangan ng malalaking player para sa national team.
Sisimulan ni Olympian Arturo Valenzona, sa pamamagitan ng isang foundation na ipinangalan sa kanya at mga kaibigan sa basketball, ang paghahanap sa mga big men ngayon sa Paraiso Ng Batang Maynila covered court sa tapat ng Manila Zoo sa Adriatico St. sa Ermita.
Higit sa 200 bata na karamihan ay sa Big City na may edad 8-anyos hanggang 18-anyos ang inaasahang lalahok sa clinic na tinawag ni Valenzona na “Big Men’s Camp”.
Ang clinic na idaraos tuwing Sabado at Linggo ay libre sa mga bata.
Si Valenzona ay naging miyembro ng Philippine team noong 1964 Olympic Games.
Para sa mga interesadong sumali sa clinic ay maaaring tumawag sa 0916 443 6100, 0929 214 8234, 0922 461 6503 o sa landline 537418.
- Latest