Wade pinag-init ang Heat, Wolves tinusta
MINESOTA-- Noong nagsimulang pumasok ang mga binitiwang half-court shots, natiyak na ito ay isa uling gabi para kay Dwyane Wade.
Kumana ng game high 25 puntos si Wade habang ang katambal sa backcourt na si Goran Dragic ay may 18 pa at ang Miami Heat ay namayani sa Minnesota Timberwolves, 96-84.
Ito ang ikalimang laro ni Wade na umiskor siya ng 20 puntos pataas at ang kanyang 25 puntos ay ginawa sa ikalawang pagkakataon sa season.
Noong Oktubre 30 ay nagtala rin si Wade ng ganitong marka sa laro kontra sa Cleveland.
“What you see is the commitment of a player who has had to adopt with age,” wika ni Miami coach Eric Spoelstra sa beteranong guard.
Tumapos si Wade taglay ang 48.7 puntos at may 18-of-25 shooting sa free throw line.
May 16 puntos na si Wade sa first half sa 7-of-12 shooting at ang 10-0 run na kanyang pinamunuan ang nagsantabi sa naunang malakas na panimula ng Timberwolves.
Ang mga bench players na sina Kevin Martin at Shabazz Muhammad ay naghatid ng 14 puntos para sa Minnesota na natalo sa ikalawang pagkakataon matapos ang apat na laro.
Sa iba pang resulta, nanalo ang Chicago sa Oklahoma, 104-98; ang Charlotte sa Dallas, 108-94; at Utah sa Denver, 96-84.
- Latest