^

PSN Palaro

Diretsong 10 pakay ng Tams vs Tigers

ATan - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS     W    L

**FEU                10    1

*UST                   9    3

*Ateneo              8    4

La Salle             5    6

NU                      5    7

UE                       4    7

UP                       3    8

xxAdamson       2  10

 

**playoff twice-to-beat

*final four

xx-eliminated

 

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m.  UE vs Adamson

4 p.m.  FEU vs UST

 

MANILA, Philippines – Maipaghiganti ang nata­tanging pagkatalo na nasa kanilang karta ang pilit na gagawin ng FEU Tamaraws sa pagharap uli sa UST Tigers sa 78th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang laro ay magsisimula dakong alas-4 ng hapon at ika-sampung sunod na panalo at number one seeding ang mahahagip ng Tamaraws.

Huling natalo ang Ta­ma­raws ay noong Setyem­bre 9 pa sa dikitang 71-72 iskor.

“Tinalo nila kami kaya hindi ito magiging mada­ling laro. Kailangang hindi mawala ang focus lalo na sa depensa,” wika ni FEU coach Nash Racela.

Ang Tigers ay kaila­ngang manalo para ma­kabangon agad mula sa 77-91 panghihiya na inabot sa kamay ng UE Red Warriors.

Sina Kevin Ferrer, Ed Daquioag at Karim Abdul ang mga magtutulong uli pero dapat na gumana ang bench ng Tigers para tapatan ang ipinakikita ng mga reserves ng FEU.

Kung matalo pa ang UST ay lalakas ang laban ng Ateneo Eagles para sa number two spot dahil maiiwan na lamang sila ng isang laro.

Palalakasin pa ng UE ang paghahabol ng upuan sa Final Four laban sa A­damson Falcons sa unang  laro sa alas-2 ng hapon.

Nananalig si coach Derrick Pumaren na magpapatuloy ang magandang ipinakikita ng mga players para makatabla ang nagdedepensang kampeon National University Bulldogs (5-7) sa ikalimang puwesto.

ACIRC

ADAMSON

ANG

ANG TIGERS

ATENEO EAGLES

DERRICK PUMAREN

ED DAQUIOAG

FINAL FOUR

NBSP

SHY

SMART ARANETA COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with