^

PSN Palaro

Ikeh nakalaya na Ateneo buo ang puwersa sa pagbangga sa La Salle

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakalabas na ng kulu­ngan kahapon si Ateneo import Chibueze Ikeh matapos magpiyansa.

Dinala at ikinulong ng Quezon City police si Ikeh sa kanilang Criminal Investigation and Detection Unit makaraang kasuhan ng pananakit sa kanyang nobya.

Isinilbi ng QCPD kay Ikeh ang warrant of arrest matapos talunin ng Blue Eagles ang UP Fighting Maroons, 74-65 para umabante sa Final Four ng 78th UAAP men’s basketball tournament noong Miyer­kules sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Cameroonian center ay sinampahan ng kanyang nobya ng kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children Law.

Dalawang oras ang pi­nag­hintay ng mga pulis dahil nanatili si Ikeh sa loob ng Ateneo dugout kasama ang kanilang coaching staff at opisyales ng Ateneo Athletics Office.

Sinabi ni Ateneo Athle­tics Director Emmanuel Fernandez na hindi masusupinde si Ikeh dahil siya ay sangkot sa “private matter” at nakatakdang maglaro sa pagsagupa ng Blue Eagles kontra sa karibal na La Salle sa Linggo.

Noong nakaraang bu­wan ay sinuspinde ng Ateneo si John Apacible dahil sa drunk driving incident kung saan pinagmumura ng Blue Eagles’ forward ang nakagitgitan sa kalsada.

ACIRC

ANG CAMEROONIAN

ATENEO

ATENEO ATHLE

ATENEO ATHLETICS OFFICE

BLUE EAGLES

CHIBUEZE IKEH

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DIRECTOR EMMANUEL FERNANDEZ

FIGHTING MAROONS

IKEH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with