^

PSN Palaro

Enforcers hihirit ng panalo sa Aces

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
STANDINGS  W  L
Rain or Shine  3  0
Alaska   2   0
NLEX 2   0
San Miguel   2    1
Barako Bull   1 1
Globalport 1 1
Talk ‘N Text  1 1
Star 1 2
Blackwater    1 2
Meralco    0 2
Ginebra 0 2
Mahindra     0 2

Laro Ngayon (Dubai, UAE)

7 p.m. Mahindra vs Alaska

MANILA, Philippines – Matapos iskorin ang kanyang kauna-unahang fieldgoal, hangad naman ni playing coach Manny Pacquiao na maihatid sa panalo ang kanyang Mahindra.

Lalabanan ng Enforcers ang Alaska Aces ngayong alas-7 ng gabi (alas-12 ng gabi sa Manila) sa official game ng 2015 PBA Philippine Cup sa Al Wasl Stadium.

Itinala ng 5-foot-6 na si Pacquiao ang kanyang unang fieldgoal bilang isang PBA player matapos magsalpak ng isang jumper laban kay Chris Tiu sa  94-108 pagyukod ng Mahindra sa Rain or Shine bago natalo sa Talk ‘N Text, 101-97.

Nauna nang dumating sa Dubai si Pacquiao noong Lunes.

Noong nakaraang season ay apat na bees lamang  nakita sa aksyon ang 36-anyos na si ‘Pacman’ kung saan siya nagposte ng isang free throw, 2 rebounds at 1 assist.

Hangad naman ng Alaska ang kanilang pangat­long dikit na arangkada para makasosyo sa Rain or Shine sa liderato.

Ang unang dalawang naging biktima ng Aces ay ang Tropang Texters, 114-98 at ang Blackwater Elite, 87-79.

Sina Cyrus Baguio, Calvin Abueva, Sonny Thoss, Vic Manuel, JVee Casio at Dondon Hontiveros ang muling ibabandera ng Alaska katapat sina at LA Revilla, Aldrech Ramos, Niño ‘KG’ Canaleta at rookie Bradwyn Guinto ng Mahindra.

Sa Sabado ay makaka­tapat ng Aces ang Ginebra Gin Kings sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng gabi sa Manila).

ACIRC

AL WASL STADIUM

ALASKA ACES

ALDRECH RAMOS

ANG

BARAKO BULL

BLACKWATER ELITE

MAHINDRA

N TEXT

NBSP

QUOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with