Pacquiao-Khan fight ‘di pa selyado
MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang napaulat na ‘pagpirma’ umano ni British star Amir Khan sa fight contract para labanan si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
“It’s total bull,” gigil na wika ni Arum sa report ng Daily Mail sa London. “We haven’t sent an offer to anyone. Where he’s getting this I have no idea. But even Khan’s uncle called me to apologize because they know it’s not true.”
Sa kabila ng kalituhan ay sinabi ni Arum na nananatili pa rin si Khan sa kanilang prayoridad para sa magiging pinakahuling laban ni Pacquiao sa Abril 9, 2016.
Bukod kay Khan, hihintayin din ni Arum ang magiging resulta ng bakbakan nina Timothy Bradley Jr. at Brandon Rios sa Linggo bukod pa sa pagkukunsidera kay Terence Crawford.
“Here’s where we stand,” wika ni Arum. “We have sent all the tapes of Crawford to (Pacquiao’s manager) Michael Koncz and Manny for him to look at. He already has tapes of Khan. We have to see what happens Saturday with Bradley and Rios.”
May 1-1 record si Pacquiao laban kay Bradley, habang dinomina naman ni ‘Pacman’ si Rios.
Sa huli ay ang 36-anyos na Filipino boxing superstar pa rin ang magdedesisyon kung sino ang kanyang gustong labanan bago magretiro at hangarin ang isang puwesto sa Senado.
- Latest