^

PSN Palaro

Pringle naasahan ng Batang Pier sa 2 panalo

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (Mall of Asia Arena)

4:15 p.m. Blackwater vs Meralco

7 p.m. San Miguel vs Rain or Shine

MANILA, Philippines – Naglalaro pa lamang si Fil-American guard Stanley Pringle para sa kanyang ikalawang taon sa Philippine Basketball Association.

Ngunit ipinapakita na niya sa Globalport na ma­aari siyang maging susi para sa kanilang kauna-unahang PBA Finals.

Kumamada ang da­ting Penn State standout ng 13 sa kanyang game-high na 23 points para tulungan ang Golbalport sa 101-94 panalo laban sa Star noong nakaraang Biyernes sa 2015 PBA Philippine Cp.

Muling ipinakita ng 28-anyos na si Pringle ang kanyang nakuhang eksperyensa sa pagla­laro sa Belgium, Poland, Ukraine at sa ABL para sa Indonesia Warriors.

Nagtala rin si Pringle ng 5 assists at 4 rebounds laban sa Hotshots para hirangin bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Tinalo niya sina Sean Anthony ng NLEX at Vic Manuel ng Alaska para sa weekly honor.

“Ang maganda kasi kay Stan, he’s all-out pag pumasok na sa court. And para sa kanya, walang sapawan (with Terrence Romeo) though lagi ko naman nire-remind sa team na pagnanalo tayo, sama-sama tayo rito at ganun din kapag natalo tayo,” sabi ni coach Pido Jarencio sa 2014 PBA Nio. 1 overall pick.

Umaasa si Jarencio na maipagpapatuloy ni Pringle ang kanyang magandang laro sa pagsagupa ng Batang Pier sa Barako sa Linggo.

ACIRC

BATANG PIER

INDONESIA WARRIORS

LARO BUKAS

MALL OF ASIA ARENA

PARA

PENN STATE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PHILIPPINE CP

PIDO JARENCIO

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with