^

PSN Palaro

Parks posible pang makapaglaro sa NBA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanatiling buhay ang pangarap ni Bobby Ray Parks Jr. na makagpalaro sa NBA nang napasama siya sa mga manlalarong napili sa idinaos na NBA D-League Draft noong Sabado.

Si Parks na pumasok sa NBA Draft pero hindi nakuha, ay hinagip ng Texas Legends bilang ikaanim na pick sa second round.

Ang two-time UAAP MVP sa koponan ng National University Bulldogs ang ikalawang Filipino na nakuha sa D-League Drafting matapos ni 6’9 Japeth Aguilar na pinili ng Santa Cruz Warriors tatlong taon na ang nakalipas.

Hindi naman napasama sa official roster si Aguilar at bumalik siya ng Pilipinas para makapaglaro sa PBA.

Lalabas si Parks bilang ika-25th pick sa Draft at nakuha siya matapos isabak sa anim na laro sa Dallas Mavericks Summer League at nag-averaged ang kaliweteng 6’4 guard ng tatlong puntos at 1.7 rebounds sa 10.5 minutong paglalaro.

Siya pa lamang ang kauna-unahang Filipino cager na nakapaglaro sa nasabing liga at ang Legends ay sinusuportahan ng Dallas Mavericks.

Walang first round pick ang Texas at lalabas na si Parks ang kauna-unahang manlalaro na kinuha ng Legends sa draft. Ang isa pang manlalaro na hinatak ng koponan ay si Satnan Singh ng India.

Umabot sa 290 manlalaro ang nakapasok sa Draft at ang dating Lyceum Pirates import na si 6’10 center Jean Victor Nguidjol ay napili rin ng Austin Spurs bilang ika-16th pick overall.

ANG

AUSTIN SPURS

BOBBY RAY PARKS JR.

DALLAS MAVERICKS

DALLAS MAVERICKS SUMMER LEAGUE

JAPETH AGUILAR

JEAN VICTOR NGUIDJOL

LYCEUM PIRATES

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SANTA CRUZ WARRIORS

SATNAN SINGH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with