^

PSN Palaro

Army, UP asam ang playoff sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  PLDT vs UP

3 p.m.  Coast Guard

vs Kia Forte

5 p.m  Navy vs Army

 

MANILA, Philippines – Palalakasin ng UP Lady Maroons at Army Lady Troopers ang paghahabol ng puwesto sa susunod na round sa pagharap sa magkahiwalay na laro sa Shakey’s V-League Season12 Reinforced Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Inaasahang masusukat ang kalidad ng Lady Maroons dahil katunggali nila ang PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters sa alas-12:45 ng hapon.

May 2-0 karta ang UP nang magwagi sila sa Navy Lady Sailors at Coast Guard Lady Dolphins at kailangang maipagpatuloy ang magandang paglalaro nina Nicola Tiamzon, Kathy Bersola, Isabel Molde at Justine Dorog para makasabay sa tiyak na maalab na paglalaro ng PLDT na galing sa pagkatalo sa Army  sa huling laro.

Hindi pa tiyak kung maglalaro na uli sa kopo­nan si Alyssa Valdez pero asahan na itataas uli ng mga beteranang sina Sue Roces, Aiza Pontillas at Gretchel Soltones ang kanilang mga laro para agad na makabangon matapos ang kabiguan.

Ang Army ay kalaban ang Navy sa huling laro sa triple-header dakong alas-5 ng hapon at nais din ang ikatlong dikit na panalo na maglalapit sa koponan sa hangad na upuan sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Isa naman sa Coast Guard at Kia Forte ang papasok sa win column sa kanilang pagkikta sa ikalawang laro sa alas-3.

vuukle comment

ACIRC

AIZA PONTILLAS

ALYSSA VALDEZ

ANG

ANG ARMY

ARMY LADY TROOPERS

COAST GUARD

COAST GUARD LADY DOLPHINS

KIA FORTE

LADY MAROONS

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with