^

PSN Palaro

Visayas overall champion sa MILO Little Olympics

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakauna ang Team Visayas sa karera para sa perpetual trophy nang itinanghal bilang overall champion sa 2015 MILO Little Olympics National Finals kamakailan sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz, Laguna.

Binuo ng mga manla­laro mula Bohol, Dumaguete, Aklan, Capiz, Rojas, Guimaras at Antique, ang Visayas ay nakalikom ng nangungunang 577 overall puntos. Ang NCR-South Luzon ang pumangalawa sa 574.5 puntos habang ang Mindanao at North-Central Luzon ang nasa ikatlo at apat na puwesto sa 422 at 316.5 puntos.

Ang Visayas ay mayroong nangunguna ring 306.5 puntos sa secon­dary division matapos makitaan ng galing sa football, volleyball, taekwondo, badminton at chess. Pumangalawa lamang ang NCR-South Luzon sa 295.5 puntos habang ang Mindanao ay may 196.5 at North-Central Luzon ay may 149.5 puntos.

Nakabawi naman kahit paano ang NCR-South Luzon sa elementary division nang manguna sa mga katunggali sa 279.5 puntos habang ang Visayas ang pumangalawa sa 270.5 puntos. Ang Mindanao ang nasa ikatlo sa 225.5 puntos bago pumang-apat ang North Central Luzon sa 167 puntos.

ACIRC

ANG

ANG MINDANAO

ANG VISAYAS

LAGUNA SPORTS COMPLEX

LITTLE OLYMPICS NATIONAL FINALS

MINDANAO

NORTH CENTRAL LUZON

NORTH-CENTRAL LUZON

PUNTOS

SOUTH LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with