^

PSN Palaro

US Open 9-Ball Championship Biado, Kiamco sumargo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala ng Pinoy ang nasa winner’s bracket sa idina­daos na 40th US Open 9-ball Championship na ginagawa sa Sheraton Waterside sa Norfolk, Virginia.

Sina Carlo Biado at Warren Kiamco ay hindi umubra sa mga mabibigat na kalaban para bumaba na sa loser’s bracket.

Talunan si Biado ni Jayson Shaw ng England, 7-11, habang yumuko si Kiamco kay Ralf Souquet  ng  Germany, 4-11.

Sa nangyari, pito na ang pambato ng bansa na kailangang dumaan sa mas mahirap na ruta para makuha ang kampeonato  sa Pilipinas.

Sina Jeffrey Ignacio at Jundel Mazon ay kumulekta pa ng tatlong panalo para umabante pa sa one-loss side.

Matapos sibakin si Earl Strickland ng USA, 11-5, pinagpahinga rin ni Ignacio si Shaun Wilkie ng US,11-6, at Alexander Kazakis ng Greece, 11-8.

Si Mazon ay nagdomina kina Michael Wong ng US, 11-7; Brandon Shuff ng US, 11-5 at kay Greek Nick Ekonomopoulos,11-8.

Wagi si Roberto Gomez kina Nguyen T N ng Vietnam, 11-3 at Canadian Martin Daigle, 11-8, habang si Francisco Felicilda ay palaban pa nang sinibak sina Jorge Rodriquez ng US, 11-6 at lady pool player Karen Corr ng Ireland, 11-5.

Si Dennis Orcollo na pumangalawa noong  nakaraang taon, ay nanaig kay Kenichi Uchigaki ng Japan, 11-7.

Ang namaalam na ay si Ramil Gallego nang lasapin ang 5-11 kabiguan sa kamay ni Jason Klatt ng Canada.

Sunod na makakalaban ni Ignacio si  Marco Teutscher ng Netherlands; si Mazon ay katapat si Klatt; si Felicilda ay masusukat kay Thorsten Hohmann ng Ne­therland; si Gomez ay lalabanan si Denis Grab  Estonia at si Orcollo ay mahaharap kay Skyler Woodward ng US.

Si Kiamco ang kaharap ng mananalo kina Orcollo at Woodward habang si Biado ay mapapalaban sa magwawagi sa pagitan nina Darren Appleton ng Great Britain at Nick van den Berg ng Netherlands.

ACIRC

ALEXANDER KAZAKIS

BIADO

BRANDON SHUFF

CANADIAN MARTIN DAIGLE

DARREN APPLETON

DENIS GRAB

EARL STRICKLAND

FRANCISCO FELICILDA

GREAT BRITAIN

GREEK NICK EKONOMOPOULOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with