^

PSN Palaro

Cebuana spikers nagpasiklab sa 2 panalo ng Lady Maroons

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung masusunod ang kanyang kagustuhan, mas gusto ni Isabel Molde ang labanan na lamang ang pinakamatitinding katunggali sa halip na humaharap sa telebisyon.

Pero wala siyang ma­pagpipilian dahil magkasunod siyang nakitaan ng magandang laro para manalo ang UP Lady Maroons sa unang dalawang labanan na kung saan si Molde ang naging Best Player sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference.

“I don’t fell nervous whoever I play but I do whenever I’m interviewed on TV,” wika ng 17-anyos baguhan mula Cebu.

Sa huling laro laban sa Coast Guard ay nagtala ng 15 puntos si Molde para kunin ng Lady Maroons ang 25-20, 25-22,27-25  panalo upang maging kauna-unahang player na naka-back-to-back Player of the Game.

Si Molde ay isa sa dalawang Cebuana na nasa UP at ang isa ay si Justine Dorog at gumanda ang ipinakikita ng batang manlalaro dahil sa karanasang nakuha sa Collegiate Conference.

Nakatulong pa ang tiwala na ibinibigay sa kanya ni UP coach Jerry Yee para lalong lumabas ang itinatagong galing.

Anuman ang mangyari sa kampanya ng UP sa V-League, si Molde ay tiyak na isa sa mga manlalarong babantayan sa paglarga ng UAAP women’s volleyball sa susunod na taon.

ACIRC

ANG

BEST PLAYER

COAST GUARD

COLLEGIATE CONFERENCE

ISABEL MOLDE

JERRY YEE

JUSTINE DOROG

LADY MAROONS

PLAYER OF THE GAME

REINFORCED CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with