^

PSN Palaro

Tams lumapit sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumiretso ang Far Eastern University sa kanilang pang-siyam na sunod na ratsada para makuha ang playoff sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.

“We are close to pea­king. I hope we peak at the right time,” sabi ni coach Nash Racela matapos ang 82-69 panalo ng Tamaraws kontra sa sibak nang A­damson Falcons sa se­cond round ng 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inilapit ng FEU ang sa­rili sa unang ‘twice-to-beat’ bonus sa kanilang 10-1 kartada, habang nalasap ng Adamson ang ika-10 na kabiguan sa 12 laro.

Tumapos si Russell Escoto na may 13 points kasunod ang 12 ni Raymar Jose at 10 ni Mac Belo para sa Tams, tumalo sa Falcons sa first round, 64-60.

Matapos kunin ng FEU ang 16-point lead sa third period, 66-50, ay nakalapit ang Adamson sa 64-68 agwat sa huling anim na minuto ng fourth quarter.

Ngunit kumamada ang Tamaraws ng 10-0 atake sa likod nina Belo, Jose, Escoto at import Prince Orizu para muling ibaon ang Falcons sa 78-64 sa huling 3:58 minuto.

Mula rito ay hindi na nakaporma ang Adamson, nagmula sa 75-74 paggitla sa La Salle.

Tumipa si Jerome Garcia ng 16 points kasunod ang 15 markers ni Joseph Nalos para sa Falcons, habang nalimitahan ng Tamaraws si import Papi Sarr sa 4 points matapos gumawa ng 23 points sa kanilang panalo sa  Archers.

Sa ikalawang laro, sumilip ng pag-asa ang nagdedepensang NU Bulldogs para makakuha ng puwesto sa Final Four matapos talunin ang La Salle Green Archers, 81-73.

FEU 82 – Ru. Escoto 13, Jose 12, Belo 10, Pogoy 9, Tolomia 9, Arong 7, Inigo 7, Orizu 7, Ri. Escoto 4, K. Holm­qvist 2, Trinidad 2, Comboy 0, Dennison 0, Ebona 0.

Adamson 69 – J. Garcia 16, Nalos 15, Bernardo 10, Tungcab 10, Polican 6, Sarr 4, Villanueva 3, Capote 2, Ochea 2, C. Garcia 1, Camacho 0.

Quarterscores: 23-18; 43-33; 66-50; 82-69.

NU 81 – Alejandro 25, Javelona 14, Aroga 7, Alolino 7, Javillonar 7, Neypes 7, Salim 6, Abatayo 4, Diputado 2, Morido 2.

La Salle 73 – Teng 25, Caracut 18, Perkins 10, Torres 8, Rivero 5, Torralba 4, Navarro 3, Tratter 0.

Quarterscores: 14-10; 32-30; 49-53; 81-73.

ACIRC

ADAMSON

ANG

BELO

ESCOTO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

GARCIA

LA SALLE

STRONG

TAMARAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with