^

PSN Palaro

Beda humirit ng do-or-die sa Letran

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghatid ng mga kru­s­­yal na puntos sina Baser Amer at Michole Sorela sa huling yugto para manalo ang San Beda sa Letran, 68-61 sa Game Two ng 91st NCAA men’s Finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa San Juan City.

Dalawang mahaha­lagang runs ang pina­ngunahan nina Amer at Sorela para maipagpag ang pagbangon ng Knights mula sa 13 puntos pagkakalubog, 28-15, upang maitabla ang best of three series sa 1-1.

Ang Game Three ay gagawin bukas sa nasabi ring venue at inaasa­hang hihigitan ang 17,588 taong nanood sa larong ito.

Apat na puntos ang gi­nawa ni Sorela upang tapusin ang 6-0 bomba na nagsantabi sa da­lawang free throws ni Kevin Racal na nagbigay sa Knights ng 54-52 bentahe sa huling 9:28 ng sagupaan.

Pumukol ng ikalawang triple sa yugto si McJour Luib para lumapit sa isa ang Letran, 57-58, pero gumanti si  Amer ng sariling 5-0 bomba para ilayo sa anim ang 5-time defen­ding champion.

Nagsanib sina Amer at Sorela sa 16 puntos para suportahan ang 14 at 12 nina Ola Adeogun at  Arthur  dela Cruz.

May 13 puntos pa si Jayvee Mocon mula sa bench at siyam rito ay ginawa sa ikatlong yugto para tapatan ang pag-iinit ni Mark Cruz at manatiling lamang ang Red Lions sa pagpasok ng hu­ling yugto, 52-49.

“Sa buong season na ito ay battlecry namin ang mga seniors namin. Itong championship lamang ang maibibigay namin sa kanila bago sila umalis,” wika ni Mocon.

Nanalo ang Lions kahit may nakakadismayang 32 puntos at nangyari ito dahil nalimitahan lamang ang Knights sa 61 puntos, kapos ng 33 puntos sa 94-90 panalo sa Game One.

Si Cruz ay may 21 puntos, 13 sa ikatlong yugto, habang sina Jomari Sollano at Luib ay may tig-10.

Pero ang bida sa Game One na si Kevin Racal na may career-high 28 puntos ay tumapos lamang ta­ngan ang siyam na puntos habang si Nambatac ay hindi nakaiskor mula sa 0-of-6 sa field goals at 0-of-5 sa 15-foot line.

San Beda 68 – Adeogun 14, Mocon 13, dela Cruz 12, Amer 9, Sorela 7, Soberano 5, Sara 5, Tankoua 3, Koga 0.

Letran 61 – Cruz 21, Sollano 10, Luib 10, Racal 9, Balanza 6, Calvo 5, Apreku 0, Nambatac 0.

Quarterscores: 22-15; 33-30; 52-49; 68-61.

ACIRC

AMER

ANG

CRUZ

GAME ONE

KEVIN RACAL

LETRAN

LUIB

PUNTOS

SHY

SORELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with