^

PSN Palaro

Ranidel magpapahinga ng 2-buwan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim hanggang walong linggo ang ipapahinga ni Talk ‘N Text power forward Ranidel De Ocampo dahil sa kanyang herniated disc injury sa likod na nangyari habang nagbubuhat siya ng weights sa Moro Lorenzo Sports Center noong Linggo.

Sinabi ng mga duktor sa Makati Medical Center na hindi na kailangan ng 6-foot-5 na si De Ocampo na sumailalim sa isang surgery.

“Herniated disc L5S1 level. No nerve compression. MD advised bed rest for now. Approx out for 6wks. Now able to move legs but w/ difficulty,” sabi ni Tropang Texters’ assistant coach Josh Reyes sa kanyang Twitter account.

Tumanggap kahapon si De Ocampo ng isang epidural steroid injection para kontrolin ang pamamaga ng kanyang likod.

Nangyari ang aksidente habang binubuhat ni De Ocampo ang 100-kilo weight na karaniwan na niyang ginagawa.

Sinabi ng Talk ‘N Text trainers na nagkamali lamang si De Ocampo ng pagbuhat kaya masyadong napuwersa ang kanyang likod.

“Let’s continue to pray for @jutaca33 ‘s speedy recovery,”  wika ni Reyes kay De Ocampo na miyembro ng Gilas Pilipinas teams na kumuha ng silver medal sa FIBA Asia Championships noong 2013 at 2015.

Humiling din ng dasal ang dati niyang ka-tropa sa Talk ‘N Text na si Jimmy Alapag ng Meralco.

ACIRC

ASIA CHAMPIONSHIPS

DE OCAMPO

GILAS PILIPINAS

JIMMY ALAPAG

JOSH REYES

MAKATI MEDICAL CENTER

MORO LORENZO SPORTS CENTER

N TEXT

RANIDEL DE OCAMPO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with