^

PSN Palaro

PSL Grand Prix sweep sa HD Lady Spikers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sadyang hindi napigilan si American import Ariel Usher.

Humataw ang tubong Oregon, USA ng 29 kills at 6 service aces para tumapos na may conference-high na 36 points sa 25-19, 24-26, 25-23, 25-17 sa panalo ng Cignal sa RC Cola-Air Force Raiders sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.

Sa likod ni Usher, kinum­pleto ng HD Lady Spikers ang pag­walis sa first round ng nasabing inter-club tournament.

“I really don’t mind the numbers. I just did what I have to do and for as long as it could help the team, I am very much willing to do it,” sabi ni Usher, nauna nang umiskor ng 31 points sa five-set win ng Cignal laban sa nagdedepensang Petron noong Oktubre 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nagdagdag naman ang kanyang katambal na si Amanda Anderson ng 9 kills at 5 blocks para sa kanyang 14 points, habang may 10 markers si veteran Michelle Laborte para sa Cignal.

Sa pangunguna ni Puerto Rican import Lynda Morales ay dinala ng Rai­ders ang laro sa fourth set.

Ngunit muling umatake si Usher sa mahinang backline defense ng Air Force Raiders katuwang sina Anderson at Laborte.

Tumapos si Morales na may 19  points mula sa kanyang 16 kills at nag-ambag naman sina Sara McClinton at skipper Judy Callejo ng tig-14 markers para sa Raiders.

 

ACIRC

AIR FORCE RAIDERS

ALONTE SPORTS ARENA

AMANDA ANDERSON

ARIEL USHER

CIGNAL

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

GRAND PRIX

JUDY CALLEJO

LADY SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with