^

PSN Palaro

Lady Maroons malinis pa rin

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. Kia Forte vs Navy

3 p.m. Army vs PLDT

MANILA, Philippines – Laro ng isang beteranong koponan ang ipinakita ng UP Lady Maroons nang kunin nila ang 25-20, 25-22, 27-25 straight sets panalo sa Coast Guard Lady Dolphins  sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Confe­rence kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi tumiklop ang Lady Maroons sa mahahabang rallies para sa kanilang ikalawang sunod na panalo at ipatikim sa Lady Dolphins ang pangatlong sunod na kabiguan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang rookies na sina Maria Isabel Molde at Justine Dorog ay mayroong 15 at 11 puntos at sila ay nagsanib sa 19 kills para kunin ng State University ang 33-25 panalo sa attack department.

“Sinabi lang sa amin ni coach na sa laro, walang rookie at kailangang ilaro namin ang dapat na ilaro namin,” ani Molde na may 11 kills at apat na aces.

Si Rossan Fajardo ang nanguna sa Coast Guard tangan lamang ang siyam na puntos upang manatiling uhaw na makatikim ng set win matapos ang tatlong asignatura.

Inakala ng mga taga­hanga ng koponan na ma­kakaisang set na ang Lady Dolphins nang kunin ang 24-23 set point sa check ball sa palo ni Samantha Dawson.

Pero hindi pa rin sinu­werte ang Lady Dolphins at natalo sa down-the-line hit ni Molde bago tinawagan ng two-touch si Abegail Ponon.

Samantala, luminaw ang signal ng Cignal HD Spikers sa huling tatlong sets para manalo sa Sta. Elena Wrecking Ball, 23-25, 22-25, 25-16, 25-20, 15-8  sa Spikers Turf Reinforced Conference.

Ito ang ikalawang panalo sa tatlong laro ng Cignal para solohin ang ikatllong puwesto.

ABEGAIL PONON

ACIRC

ANG

CIGNAL

COAST GUARD

COAST GUARD LADY DOLPHINS

ELENA WRECKING BALL

HOME ULTERA

LADY DOLPHINS

LADY MAROONS

SAN JUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with