Magnaye-Francisco duo ikinasa ang semis sa B Bonanza
MANILA, Philippines – Bumangon sina joint third ranked Peter Magnaye at Jessie Francisco mula sa pagkatalo sa opening set setback para talunin sina Joper Escueta at Indonesian Keshya Hanadia, 13-21, 21-19, 21-18 at umabante sa semifinal round ng Open mixed doubles ng Bingo Bonanza National Open Badminton Tournament kahapon sa Glorietta 5 Atrium sa Makati City.
Naging matibay sina Magnaye at Francisco sa second set kung saan nila sinakluban ang arangkada nina Escueta at Hanadia mula sa kanilang mga smashes at drop shots.
Tinapos nina Magnaye at Francisco ang naturang laro sa loob ng 45 minuto papasok sa Final Four kung saan nila makakatapat sina No. 2 at fellow PBA-Smash Pilipinas bets Alvin Morada at Alyssa Leonardo.
Tinalo nina Morada at Leonardo sina Carlos Cayanan at Alyssa Geverjuan, 21-12, 21-14 sa loob lamang ng 25 minuto.
Inangkin naman nina Ronel Estanislao at Indonesian partner Marissa Vita ang unang semifinals seat nang gulatin sina top seed Paul Pantig at Thea Pomar, 21-12, 21-14.
Lalabanan nina Estanislao at Vita sina defending champion Paul Vivas at Eleanor Inlayo sa semis.
- Latest