^

PSN Palaro

4 na SEAG Champions tinapik ng PATAFA sa coaching staff

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukod sa pagpapa­lakas sa pagtuklas ng mga ba­gong atleta, kumilos din ang PATAFA para pagtibayin ang kanilang coaching staff sa paghugot ng mga dating tinitingalang manla­laro ng bansa.

Sina Arniel Ferrera, Rene Herrera, Danilo Fresnido at John Lozada ay  iniakyat na ng NSA para turuan ang mga bata at mahuhusay na atleta upang mapalabas ang itinatagong galing sa hangaring kara­ngalan sa malalaking torneo sa labas ng bansa.

Ang apat na ito ay mga SEA Games champions at aani agad sila ng respeto sa mga tuturuan.

Si Jojo Posadas ay ibinalik din sa pagiging coach ng Pambansang koponan.

“Naniniwala kami na malaki ang kanilang maitutulong para makahubog ng mga bagong talento sa kanilang pinaglaruang events kaya sila ay iniakyat na namin bilang mga coaches,” wika ni  PATAFA secretary-general Reynato Unso.

Si Lerma Bulauitan-Gabito na dating pambato sa women’s long jump ay coach na rin.

Kasabay nito ay ipadadala sina Gabito at  Ferrera sa Korea para sa isang buwang seminar upang madagdagan ang kanilang kaalaman.

Abala ang PATAFA  sa pagbabago sa kanilang hanay dahil nais nilang ipagpatuloy ang magandang marka na nakuha sa taong ito sa 2016.

Nanalo ang Pilipinas ng limang ginto sa SEA Games sa Singapore habang ang double-gold medalist sa SEAG na si Fil-Am Eric Cray ay nakapasok na sa Rio Olympics sa larangan ng 400m hurdles.

ACIRC

ANG

DANILO FRESNIDO

FIL-AM ERIC CRAY

JOHN LOZADA

MGA

RENE HERRERA

REYNATO UNSO

RIO OLYMPICS

SI JOJO POSADAS

SI LERMA BULAUITAN-GABITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with