^

PSN Palaro

2 tracksters pupunta sa Australia

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ni PATAFA secretary-general Renato Unso na magsasanay sina Mervin Guarte at Edgardo Alejan sa Western Australia Athletic Commission.

“Sa US sana sila magsasanay pero winter ngayon doon. Dumating ang imbitasyon at dahil summer sa Australia kaya doon sila magsasanay. Inaantay na lamang namin ang pondo at aalis na agad sila,” wika ni Unso.

Nakakuha na ang PATAFA ng endorsement sa Philippine Olympic Committee para sa supplemental budget na nagkakahalaga ng P1.8 milyon para sa biyahe ng dalawang runners at ito ay ipinasa na rin sa Philippine Sports Commission para pondohan.

Si Guarte ay nanalo dalawang silver medal sa 800m at 1,500m events ng nakaraang Singapore SEA Games, habang si Alejan ay kumuha ng bronze medal sa 400m run.

Bago ito ay nabigyan na ng suporta ang paghahandang ginagawa ni 2016 Rio Olympic qualifier Fil-Am Eric Cray, habang si pole vaulter Ernest John Obiena ay babalik muli sa Formia, Italy para magsanay sa hangaring mapataas ang kasalukuyang 5.50m national record.

 

ALEJAN

EDGARDO ALEJAN

ERNEST JOHN OBIENA

FIL-AM ERIC CRAY

MERVIN GUARTE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RENATO UNSO

RIO OLYMPIC

SI GUARTE

WESTERN AUSTRALIA ATHLETIC COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with