85th PSL National series puwesto sa Summer Games nakataya sa NCR tankers
MANILA, Philippines – Bubuksan ng Philippine Swimming League (PSL) ang pintuan para sa mga tankers mula National Capital Region (NCR) upang makasama sa 2017 Summer World University Games sa gagawing All-Schools Swim Challenge ngayon sa Diliman College swimming pool sa Quezon City.
Kasama ang torneong ito sa 85th National Series at bukod sa World University Games, ang mga may potensiyal ay maaaring ipadala sa Phuket Invitational Swim Meet sa Thailand, Indian Ocean All-Star Challenge sa Perth, Australia at Hong Kong Stringrays Invitational Swimming Championship.
“This event is open to all with no membership required. We want our young talented swimmers from difference colleges and universities to experience a once in a lifetime opportunity competing in the prestigious Summer World University Games,” wika ni PSL president Susan Papa.
Hanap ni Papa na makapagpadala ng 48 male at female tankers sa University Games kaya’t pinalawak ng PSL ang pagtuklas sa mga may potensyal na manlalangoy.
“We are holding swimming meets in different parts of the country to give everyone that equal chance of making the team. We now have qualifiers from Luzon, Visayas and Mindanao and representation from the NCR will complete our goal of sending the best swimming from the Philippines,” dagdag ni Papa.
Ang manlalangoy sa kalalakihan at kababaihan na may pinakamataas na FINA points ay gagawaran ng Presidential Trophies at P1,500 premyo habang ang mga swimmers na makakapagtala ng bagong records ay mayroon ding Presidential trophies.
- Latest