^

PSN Palaro

Mapua sasagupa sa Letran sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

12 nn  Mapua

vs Arellano (Jrs)

2 p.m.  Letran

vs Mapua (Srs)

4 p.m. San Beda

vs Jose Rizal U (Srs)

 

MANILA, Philippines –  Tinalo ng Mapua Cardinals ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 81-76, para okupahan ang ikatlong puwesto sa Final Four sa 91st NCAA men’s basketball playoff kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si CJ Isit taglay ang career-high 27 puntos para bigyan ang Cardinals ng kanilang ikaapat na sunod na panalo at putulin ang 6-game winning streak ng Heavy Bombers.

Si Darell Menina ay may 16 puntos habang si Allwell Oraeme ay hu­mablot ng 24 rebounds upang isama sa kanyang 11 puntos, 5 assist at 3 blocks.

Makakalaban ng Cardinals ang number two seed Letran Knights sa Final Four na magsisimula sa Martes.

Ang Heavy Bombers ang katipan naman ng 5-time defending champion San Beda at ang Lions at Knights ay may twice-to-beat advantage.

Si  Bernabe Teodoro ay may 16 puntos pero ang isa pang batikang guard ng Heavy Bombers na si Paolo Pontejos ay may dalawang puntos lamang at halatang nagluluksa pa sa pagkamatay ng kanyang  ama.

Samantala, nagpasok ng free throws si Guillmer dela Torre para ibigay sa Arellano ang 75-74  panalo sa La Salle-Greenhills para magpatuloy sa laban sa juniors division.

Ang larong ito ay nagbukas sa step-ladder semifinals at makakalaro nila ang Mapua Red Robins sa Martes para malaman kung sino ang makakaharap ng 6-time defending champion San Beda Red Cubs na may thrice-to-beat advantage matapos ang 18-0 sweep sa elimination round.

vuukle comment

ALLWELL ORAEME

ANG

ANG HEAVY BOMBERS

ARELLANO

BERNABE TEODORO

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL U

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LA SALLE-GREENHILLS

SAN BEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with