^

PSN Palaro

PCA-Open Cebuana Lhuillier ITF Men’s Futures 2 Alcantara huling alas ng Pinas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Humugot uli ng tibay ng dibdib si Francis Casey Alcantara para sibakin si Liang Wen-chun ng Chinese Taipei, 7-6 (1), 6-1, sa second round ng 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier ITF Men’s Futures 2 kahapon sa PCA clay court sa Paco, Manila.

Naisantabi ng wildcard na si Alcantara ang 2-5 iskor nang nakontentong ibalik-balik lamang ang bola ng Taiwanese netter upang manalo pa sa tie-break.

Hindi na nagbago ng istilo si Alcantara para pumasok na sa quarterfinals sa palarong suportado ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, The Philippine Star, Head Babolat, Compass/IMOST at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

“Hindi pa kami naglalaban pero mga juniors pa lamang kami ay nakikita ko na ang laro niya kaya alam ko kaya ko. But then, sobrang relax ako kaya na-break niya ako at nag-5-2 siya,” paliwanag ni Alcantara.

Kailangan pa niyang tibayan ang ipinakikita dahil katunggali niya ngayong umaga ang top seed na si Enrique Lopez-Perez ng Spain na sinibak ang Filipino wildcard na si Johnny Arcilla, 6-4, 6-3.

Si Alcantara na lamang ang naiwang nakatayo sa hanay ng mga local net­ters dahil nagpahinga na sina Jeson Patrombon at Fil-Spaniard Diego Garcia-Dalisay.

ANG

CEBUANA LHUILLIER

CHINESE TAIPEI

ENRIQUE LOPEZ-PEREZ

FIL-SPANIARD DIEGO GARCIA-DALISAY

FRANCIS CASEY ALCANTARA

HEAD BABOLAT

JESON PATROMBON

JOHNNY ARCILLA

LIANG WEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with