^

PSN Palaro

Cruz may pinatunayan sa pagdala sa Knights sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang pinakamaliit na manlalaro sa koponan ang nagpakita ng malaking puso sa mahalagang laro laban sa Perpetual Help Altas upang makuha ng Letran Knights ang maha­lagang twice-to-beat  advantage sa semifinals sa 91st NCAA men’s basketball.

Sinuklian ni Mark Cruz ang pagkakalagay niya sa starting five sa unang pagkakataon sa season ni coach Aldin Ayo sa paghatid ng 18 puntos, at tatlo lamang ang hindi niya ginawa sa first half para makalayo agad ang Knights tungo sa 93-64 pagdurog sa Altas.

“Sinabihan kami ni coach na kailangang mag-bounce back kami matapos matalo sa San Beda. We stayed together, mas aggressive rin kami. Yun yung naging storya sa game,”wika ni Cruz na may walong assists pa sa laban.

Ito ang ika-13 panalo sa 18 laro ng Knights para makapantay sa unang puwesto ang Red Lions at magkaroon din ng mahalagang bentahe sa Final Four.

Dahil sa ganda ng ipinakitang laro sa pagtatapos ng elimination round, ang 5’5 guard na si Cruz ang siyang binigyan ng ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week citation.

Dinaig ni Cruz ang mga manlalaro ng host Mapua Cardinals Josan Nimes at Darell Menina at Jose Rizal University Heavy Bombers guard Paolo Pontejos. (AT)

 

ALDIN AYO

ANG

CRUZ

DARELL MENINA

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

MAPUA CARDINALS JOSAN NIMES

MARK CRUZ

PAOLO PONTEJOS

PERPETUAL HELP ALTAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with