^

PSN Palaro

Marcial sinibak ng Kazakhstan boxer; Ladon puro na sa Rio Games

Pilipino Star Ngayon

DOHA, Qatar – Ganap na dinomina ni light flyweight Rogen Ladon si Dawid Jagodzinski ng Poland para umabante sa semifinal round ng 2015 AIBA World Boxing Championships dito sa Ali Hamad Al Attiya Arena dito.

Sa evening session, nabigo naman si welterweight Eumir Felix Marcial na sundan sa semis si Ladon nang matalo kay World No. 1 Daniyar Yeleussinov ng Kazakhstan.

Sinunod ng 21-anyos na si Ladon ang game plan nina coaches Nolito Velasco at Romeo Brin para talunin si Jagodzinski sa tatlong rounds.

Matalim na minanma­nan nina Velasco at Brin ang mga galaw at diskarte ng Polish boxer.

Pinaboran ng tatlong judges mula sa Argentina, Puerto Rico at Russia si Ladon sa mga magkakatulad na iskor na 30-27 sa tatlong rounds sa naturang Olympic qualifier.

Kailangan ni Ladon na talunin si Russian Vasili Egorov, ang No. 4 seed sa torneo, para makatiyak ng tiket patungo sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Nauna nang sinibak ni Ladon si No. 1 seed Joselito Velazquez Altamirano ng Argentina.

Tatlong Olympic qualifiers pa ang nakatakda sa susunod na taon.

ALI HAMAD AL ATTIYA ARENA

DANIYAR YELEUSSINOV

DAWID JAGODZINSKI

EUMIR FELIX MARCIAL

JOSELITO VELAZQUEZ ALTAMIRANO

LADON

NOLITO VELASCO

OLYMPIC GAMES

PUERTO RICO

ROGEN LADON

ROMEO BRIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with