Pacquiao walang uurungang laban bago magretiro
MANILA, Philippines - Bago siya maging abala sa pangangampanya sa pagtakbo para sa isang Senatorial seat ay lalaban muna si Manny Pacquiao sa kahuli-hulihang pagkakataon.
Ayon sa Filipino world eight-division champion, wala siyang pipiliing kalaban sa muli niyang pag-akyat sa ibabaw ng boxing ring sa Abril 9, 2016.
“I will fight anybody, anywhere. I am going to fight probably before the election,” wika ni Pacquiao sa panayam sa kanyang pagbisita sa Doha, Qatar para sa 2015 World Boxing Championships.
“The election is coming next year, May and before that I will probably have one fight,” dagdag pa ni ‘Pacman’ na nanggaling sa unanimous decision loss kay Floyd Mayweather Jr. noong Mayo 2.
Matapos ang kanyang laban sa Abril ng 2016 ay tuluyan nang isasabit ng Filipino boxing icon ang kanyang boxing gloves.
Kasalukuyan nang kinakausap ni Arum si British star Amir Khan (31-3-0, 19 KOs) para sa posibleng laban nila ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs).
Si Khan ay dating sparmate ni Pacquiao sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach at ilang beses na ring nagsanay sa Pilipinas.
Maliban kay Khan, maaari ding itapat ni Arum kay Pacquiao ang sinuman kina Kell Brook (35-0-0, 24 KOs) at Terence Crawford (25-0-0, 17 KOs).
- Latest