Pacman magbibigay ng p.5m sa mananalo ng ginto, Ladon nagpasiklab, top seed boxer niyanig
DOHA, Qatar --Naging inspirasyon ni light flyweight Rogen Ladon ng PLDT-ABAP Boxing Team ang panonood ni boxing legend Manny Pacquiao sa kanyang laban sa AIBA World Championships dito.
Tinalo ni Ladon ng Bago City ang No. 1 seed na si Mexican Joselito Velasquez Altamirano sa pamamagitan ng unanimous decision victory.
Dinomina ni Ladon, ang No. 17 seed sa torneo, si Velaquez sa tatlong scorecards ng mga judges mula sa Ireland, Trinidad & Tobago at France.
“Parang hindi pa ako makapaniwala na pinanood ni Congressman Pacquiao ang laban ko,” ani Ladon.
Ginamit ni Ladon ang estratehiyang hit-and-run attack para talunin si Altamirano.
“Alam ko malakas siya pero sabi nina coach Boy (Velasco) at coach Brin (Romeo), mag-hit and run daw ako kasi medyo flat-footed siya kaya hindi siya makakahabol pag inalisan ko siya. Pinag-aralan naming mabuti yong pinadalang videos sa amin ng ABAP Sports Science staff namin sa Manila,” dagdag pa ni Ladon.
Sa hapunan na pinamunuan ni AIBA president Ching-Kuo-Wu para kay Pacquiao, sinabi ng boxing legend kay ABAP executive director Ed Picson na bibigyan niya ng insentibong P500,000 sina Ladon at Eumir Felix Marcial kung mananalo ng gold medal sa torneo.
- Latest