^

PSN Palaro

Great Wall

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Tama na sana ang rekado pero minadali ang luto.

Iyan ang basa ko sa nangyari sa Gilas Pilipinas sa nakalipas na FIBA Asia Championship sa Changsha, China kung saan nag-runner up ang Pinas.

Bagama’t may ilang players na hindi nakasama, nabuo ni coach Tab Baldwin ang team na kinayang tumapat sa mga pinakamalakas na teams sa Asia.

Dinurog natin ang Hong Kong at Kuwait at tinalo ng dalawang beses ang Japan.

Pinatumba rin natin ang Iran sa quarterfinals.

Kinapos nga lang laban sa China sa finals.

Apat ang seven-footers ng China pero nakuha pa nating lumamang sa umpisa. Tumukod na lang sa kalagitnaan.

Niluto man ng mga referee o hindi, tanggapin natin ang pagkatalo.

Umabante ang China sa 2016 Rio Olympics.

Better luck next time sa Gilas.

Sayang talaga dahil sa tingin ko ay kinulang lang tayo sa oras na mag-prepara para sa FIBA Asia.

Isipin mo naman, Sept. 8 na pormal na nabuo ang Gilas.

Naubos kasi ang oras kakaligaw ng SBP sa mga PBA players na ayaw o hindi naman pala puwedeng maglaro para sa FIBA Asia meet.

Bagama’t umabot ng mahigit isang buwan ang training na kasabay na rin ng tryouts ay kinulang tala­ga sa oras para ihanda ang team.

Ang China, anim na bu­wan namang nag-trai­ning.

Buong-buo ang team.

Kung saan-saan uma­bot ang China sa training kaya naman sa laro ay ki­tang-kita ang kaibahan.

Masyado tayong umasa sa talento. Magagaling na players. Pero kulang naman sa panahon na mag­­kakasama sa loob ng court.

Ang China, magaling na at malaki, nag-prepara pa na­ng husto.

The Great Wall of China.

ACIRC

ANG

ANG CHINA

ASIA CHAMPIONSHIP

BAGAMA

CHINA

GILAS PILIPINAS

GREAT WALL OF CHINA

HONG KONG

RIO OLYMPICS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with