^

PSN Palaro

Mga mahuhusay na Fil-Americans paparada sa PSL Grand Prix

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maliban sa mga mahu­husay na imports ay ma­kikisalo rin sa atensyon ang mga Fil-Foreigners na hinugot ng mga magla­larong koponan sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix na magbubukas sa Sabado sa Alonte Sports Arena sa Biñan, La­guna.

Nangunguna na rito si Lindsay Dowd na nag­la­ro sa US NCAA Division school ng University of Cali­fornia-Davis na kasama ng Philips Gold.

Ang 5-foot-9 setter ang hahalili sa puwestong iniwan ng isa pang Fil-Am setter na si Iris Tolenada na bumalik sa US para sa kanyang coaching career.

Matapos ang collegiate career ay nabiyayaan si Dowd na makapaglaro sa VBC Fribourg sa Switzerland at ang kanyang ka­ranasan ang siya niyang ga­gamitin para makatulong sa Philips Gold na kinuha rin sina Boajan Todorovic ng University of California-Los Angeles at Alexis Ol­gard ng University of Southern California.

Isa pang Fil-Am na mag­papasikat ay si Kayla Wil­liams na naglaro para sa Grambling State University  na isa ring NCAA Division 1 team.

May taas na 5’10, naka­paglaro na rin si Williams sa Latvia, Bahamas at Rus­sia at naimbitahan ding maglaro sa Jamaican national team pero mas pinili ng Fil-Am ang ma­kapaglaro sa Pilipinas na ang mga lolo at lola ay dito nagmula.

“Maliban sa mga ma­huhusay na imports ay mag­lalaro rin sa ang mga mahuhusay na Fil-Ams para mas lalong tumaas ang lebel ng kompetis­yon,” ani PSL president Ra­mon”Tats Suzara. (AT)

ACIRC

ALEXIS OL

ALONTE SPORTS ARENA

ANG

BOAJAN TODOROVIC

FIL-AM

GRAMBLING STATE UNIVERSITY

GRAND PRIX

IRIS TOLENADA

PHILIPS GOLD

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with