^

PSN Palaro

Clarkson nais lumaro sa Gilas sa World Olympic Qualifier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t hindi nakasama sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa katatapos na 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China ay umaasa si Fil-American Jordan Clarkson na makakatulong siya para sa hinahangad na tiket sa 2016 Olympic Games.

Ipinahiwatig ng Los Ange­les Lakers’ guard ang kanyang intensyong mapasama sa Nationals sa Olympic qualifying tournament sa Hulyo sa 2016 sa pamamagitan ng isang video na ipinoste niya sa kanyang Twitter account.

Sa naturang video na inilagay niya sa kanyang Twitter account na @JClark50n ay nakitang nagsalpak si Clarkson ng isang dunk.

Ginamit ng sophomore Lakers guard ang caption: “Tough Fight: In 2016 @JClark5on & #SmartGilas #ALLIN #RoadToRedemption @lettrs.”

Kasalukuyang nasa Ha­waii si Clarkson at ang Lakers para sa kanilang paghahanda sa darating na 2015-16 NBA season.

Bago sumabak ang Gilas sa FIBA Asia Championship ay sumabay ang 6-foot-5 na si Clarkson sa ensayo ng tropa ni coach Tab Baldwin sa Meralco Gym.

ACIRC

ASIA CHAMPIONSHIP

BAGAMA

CLARKSON

FIL-AMERICAN JORDAN CLARKSON

GILAS PILIPINAS

LOS ANGE

MERALCO GYM

OLYMPIC GAMES

TAB BALDWIN

TOUGH FIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with