^

PSN Palaro

NCAA kanselado dahil kay ‘Kabayan’

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng biyaya ang mga koponang naghahabol pa ng puwesto sa Final Four sa 91st NCAA men’s basketball.

Ito ay dahil may dagdag na panahon pa ang anim na koponang palaban na mapaghandaan ang huling dalawang playdates sa liga nang nakansela ang mga laro kahapon sa The Arena, San Juan City.

Ang magdamag na pag-ulan dulot ng bagyong Kabayan ang nagresulta para kanselahin din kahapon ang pasok sa mga paaralan upang sumunod din ang pamunuan ng NCAA.

Nakatakdang magsalpukan sa triple-header game ay ang Jose Rizal Heavy Bombers at San Sebastian Stags; Emilio Aguinaldo College Generals at Mapua Cardinals; at Perpetual Help Altas at Letran Knights.

Ang mga larong ito ay matutunghayan na sa Huwebes (Oktubre 8) na siyang huling laro sa elimination round.

Sa Martes ay magbabalik ang tagisan sa liga at ang mga magtutuos ay ang Cardinals at St. Benilde Bla­zers, Arellano Chiefs at Generals at Knights at San Beda Red Lions.

Ang Knights (12-4) at Red Lions (12-5) ay nanga­ngailangan na lamang ng isang panalo hindi lamang para makatiyak ng upuan sa Final Four kungdi para masungkit din ang mahalagang twice-to-beat advantage.

ACIRC

ANG

ANG KNIGHTS

ARELLANO CHIEFS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

JOSE RIZAL HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

MAPUA CARDINALS

PERPETUAL HELP ALTAS

RED LIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with