^

PSN Palaro

PSC handang gastusan ang mga national athletes -- Garcia

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi panghihinayangan ng Philippine Sports Commission na gastusan ang mga Pambansang atleta.

“We are here to support the athletes. We have the money to give to those deser­ving who can become a world champion,” pahayag ni Garcia, nagdiwang ng  kanyang pang-70 kaarawan kahapon.

Ayon kay Garcia, may sapat na pondo ang ahensya para itustos sa mga atleta ngunit hindi maibuhos dahil ang ibang atleta ay bumababa ang kalidad ng paglalaro habang may mga National Sports Associations (NSAs) ang may unliquidated accounts.

“Hindi naman kami puwedeng magbigay ng pondo at hindi naili-liquidate ang NSA. But I assure you na ang mga magagaling na atleta ay sinusuportahan ng PSC,” paniniyak ni Garcia.

Ang mga mahuhusay na atleta ay kasama sa priority athletes program na tumatanggap ng P40,000.00 monthly allowance.

Ngunit dapat na mapanatili ng atleta ang kanyang magandang estado dahil kapag hindi niya nagawang idepensa ang kanyang gintong medalya sa SEA Games o Asian Games ay mawawala siya sa programa at babalik bilang regular na atleta.

ACIRC

ANG

ASIAN GAMES

ATLETA

AYON

BUT I

GARCIA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NGUNIT

PAMBANSANG

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with