^

PSN Palaro

Iran tinalo ang Korea para sa unang tiket sa Final Four

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

CHANGSHA – Binura ng Iran ang kabiguan sa Incheon Asiad gold-medal game sa South Korea nang kunin ang 75-62 panalo at ang unang tiket sa Final Four ng 2015 FIBA Asia Championship kagabi dito sa Changsha Social Work Gymnasium.

Kinontrol ng mga Iranians ang mga gunners ng mga Koreans para sa ina­asahan nilang semifinal showdown ng China.

Kalaban ng China ang India sa kanilang Final Eight duel kagabi.

“We played real good de­fense and it paid off against the Koreans,” sabi ni Iranian forward Oshin Sahakian sa kanilang laro ng South Korea na napano­od sa TV5 at Aksyon TV.

Muli ring nagbida para sa Iran sina Hamed Hadda­di, Nikkhah Bahrami, Mahdi Kamrani at Hamed Afagh.

“Our players understood that the Koreans always play well early in games. They were 18 points up on China and 12 up against Qatar before losing those games,” ani Iran coach Dirk Bauermann.

Humakot si Haddadi ng 18 points at 14 rebounds, habang nag-ambag sina Sahakian at Afagh ng 12 at 11 points, ayon sa pagka­ka­­sunod, para sa Iranians na naunang tinalo ng GIlas.

ACIRC

ASIA CHAMPIONSHIP

CHANGSHA SOCIAL WORK GYMNASIUM

DIRK BAUERMANN

FINAL EIGHT

FINAL FOUR

HAMED AFAGH

HAMED HADDA

INCHEON ASIAD

MAHDI KAMRANI

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with