Pacquiao maglalaro sa 2 koponan
MANILA, Philippines – Maaaring maglaro si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa Philippine Basketball Association at sa Asean Basketball League.
Si Pacquiao ay ang playing coach ng Mahindra (dating Kia) sa PBA at player naman ng Pacman-Powerfit Agilas sa ABL.
Maaari itong gawin ni Pacquiao habang wala pa siyang laban ngayong taon.
“Yes, boss will play several games,” sabi kahapon ni Agilas coach Bien Orillo sa PSA Forum sa Shakey's Malate kay Pacquiao na kasalukuyang nagpapagaling ng kanyang right shoulder injury matapos matalo kay Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo 2.
Kamakailan ay sumali si Pacquiao sa isang pick-up game na nagpatunay na naka-recover na siya sa naturang injury.
“If he’s playing for the Agilas, he will be put in the reserve list of Mahindra and vice versa,” sabi ni Orillo.
Ayon kay Orillo, hindi makikita sa aksyon si Pacquiao sa pagharap ng Agilas sa Saigon Heat sa Oktubre 29 sa Davao at sa Thailand sa Oktubre 31 sa Malaysia.
Ngunit sa Nobyembre 4 ay babandera si Pacquiao para sa Agilas kontra sa Saigon sa GenSan.
Maliban kay Pacquiao, ang iba pang mamumuno sa Agilas ay sina dating PBA star Willie Miller at imports Jamal Warren at dating University of the East import Charles Mammie.
Inaasahan ding makakapasok sa koponan sina Jondan Salvador, Val Acuña, Leo Najorda, Carlo Sharma at Nico Elorde, dating Ateneo standout.
- Latest