^

PSN Palaro

Cone, Devance muling magkakasama matapos ang trade

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa ikatlong pagkakataon ay muling magkakasama sina two-time Grand Slam coach Tim Cone at power forward Joe Devance.

Ito ay matapos aprubahan ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang isang four-team trade na kinasasangkutan ng Star, Barangay Ginebra, Barako Bull at Globalport.

Dinala ng Hotshots si Devance sa Energy para mahugot sina Jake Pascual, da­ting pambato ng San Beda Red Lions, at Ronald Pascual, naging kamador ng San Sebastian Stags sa NCAA.

Matapos ito ay ibinigay ng Barako Bull ang 6-foot-7 na si Devance sa Gin Kings kapalit nina Mac Baracael at Prince Caperal.

Nauna nang nagkasama sina Cone at Devance sa Alaska at sa Star.

Ang 6-foot-6 na si Caperal, dating pambato ng Arellano Chiefs sa NCAA, ay nakuha ng Batang Pier matapos hingin si veteran big man Dorian Peña mula sa Gin Kings.

Nauna nang napasama si Ronald Pascual sa nakaraang three-team trade na ki­nasangkutan ng San Miguel, Barako Bull at Rain or Shine.

Ibinigay ng Elasto Painters si veteran guard Ryan Araña sa Energy bilang kapalit ng second-round pick ng Barako Bull sa 2016 Rookie Draft.

Matapos ito ay dinala naman ng Barako Bull si Araña sa San Miguel para kay Ro­nald Pascual.

ACIRC

ARELLANO CHIEFS

ATILDE

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

COMMISSIONER CHITO NARVASA

DORIAN PE

GIN KINGS

RONALD PASCUAL

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with