^

PSN Palaro

White, Loy ipinaramdam ang lakas sa pool

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpatuloy ang ma­gan­dang paglangoy nina Heather White at Atilla Pia Isabela Loy matapos sumisid ng tig-apat na gintong medalya sa 84th National Series-Gov. Flo­rencio Mira­flores Swimming Championship kahapon na ginaganap sa Aklan Provincial Sports Complex sa Makato, Aklan.

Kampeon ang British School of Manila standout na si White sa girls’ 8 years 200m Individual Medley, 50m backstroke, 50m breaststroke at 50m freestyle habang sumikwat ng ginto si Loy sa girls’ 13 years 50m butterfly, 50m backstroke, 50m breaststroke at 50m freestyle.

Hindi rin nagpahuli sina Jennuel Booh De Leon at Rose Mary Occeno na lumangoy ng tig-apat na ginto sa kani-kaniyang dibisyon.

Sinisid ni De Leon ang ginto sa boys’ 10 years 200m Individual Medley, 50m backstroke, 50m breaststroke at 50m freestyle habang nanalasa sa pool si Occeno sa girls’ 15-over 200m Individual Medley, 50m backstroke, 50m butterfly at 50m freestyle.

Samantala, isa pang marka ang inukit  ng Royal Bangkok Swimm Meet champion na si Michael Gabriel Lozada sa boys’ 8 years category nang nakagawa ng 34.52 segundo sa 50m freestyle para burahin ang dating rekord na 35.35 segundo.

Ito ang ikatlong rekord ni Lozada sa nasabing  tor­neo matapos na magpasikat sa pagposte ng bagong marka sa 200m IM (3:05.59) at 50m backstroke (39.56).

vuukle comment

50M

ACIRC

AKLAN PROVINCIAL SPORTS COMPLEX

ATILLA PIA ISABELA LOY

BRITISH SCHOOL OF MANILA

DE LEON

HEATHER WHITE

INDIVIDUAL MEDLEY

JENNUEL BOOH DE LEON

MICHAEL GABRIEL LOZADA

NATIONAL SERIES-GOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with