^

PSN Palaro

Tigers nilapa ang Eagles, sumampa uli sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m.  La Salle vs UE

4 p.m.  FEU vs Adamson

MANILA, Philippines – Malakas na pagtatapos ang ginawa ng UST Tigers para maisantabi ang 16 puntos pagkakalubog tungo sa 68-58 panalo sa Ateneo Eagles sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tila isang dominanteng panalo ang dadagitin ng Eagles nang hawakan ang 52-36 bentahe sa huling 2:45 ng ikatlong yugto pero sa di inaasahang pangyayari ay tumalim ang pangil ng mga Tigers para  wakasan ang labanan sa 32-6 palitan.

Si Kevin Ferrer ay gumawa ng career-high 27 puntos na tinampukan ng 6-of-10 shooting sa 3-point line.

May 11 siya sa huling yugto, kasama ang tatlong triples upang maitabla ang iskor sa 57-all.

Matapos ang split ni Keifer Ravena ay naka­kuha ng offensive rebound sa kanyang mintis si Ed Daquioag para pasiklabin ang 11-0 pagtatapos.

“We work hard every practice at dinadala nila ito sa laro,” papuri ni UST coach Bong dela Cruz na nakabangon sa paglasap ng unang pagkatalo sa National University Bulldogs at sinaluhan uli ang pahingang FEU Tamaraws sa  unahan sa 4-1 karta.

May 19 at 13 puntos sina Von Pessumal at Kie­fer Ravena pero ang dalawa ay may 1-of-13 sa hu­ling yugto na kung saan ang Eagles ay may 1-of-17 shooting para maputol ang tatlong sunod na kabiguan tungo sa 3-2 karta.

Sinilaban ni Gelo Alolino ang opensa ng National University Bulldogs sa ikalawang yugto para angkinin ang 68-52 panalo sa UP Maroons para sa ikatlong sunod na panalo matapos ang anim na laro.

UST 68 – Ferrer 27, Daquioag 9, Lee 8, Abdul 7, Bonleon 7, Vigil 6, Sheriff 3, Faundo 1, Caunan 0, Lao 0.

AdMU 58 – Pessumal 19, Ravena 13, Ma. Niteo 8, Babilonia 5, A. Tolentino 4, Gotladera 3, Apacible 2, Black 2, Pingoy 2, Cani 0,.

Quarterscores: 12-9, 26-30, 42-52, 68-58.

NU 68 – Alolino 16, Aroga 12, Salim 9, Tansingco 9, Neypes 7, Javelona 6, Diputado 4, Alejandro 2, Celda 2, Abatayo 1,Yu 0.

UP 52 – Manuel 16, Desidero 10, Dario 8, Lim 5, Asilum 4, Gallarza 2, Jaboneta 2, Longa 2, Moralde 2, Amar 1, Harris 0, Juruena 0, Kone 0, Prado 0, Vito 0.

Quarterscores: 19-12, 38-27, 51-43, 68-52.

ACIRC

ANG

ATENEO EAGLES

ED DAQUIOAG

GELO ALOLINO

KEIFER RAVENA

LA SALLE

LARO NGAYON

MALL OF ASIA ARENA

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with