^

PSN Palaro

34th PCA Open-Cebuana Lhuillier Wildcard event: Seeded players ramdam na ang pressure, pasok sa quarterfinals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang lumalalim ang kompetisyon sa 34thPhilippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event sa PCA clay court sa Paco, Manila ay nararamdaman na ng mga seeded players ang pressure.

“Mataas ang expectations sa amin. Kala nila, ako, si Johnny at si Casey ang dapat na manalo rito kaya may pressure talaga,” wika ng nagdedepensang kampeon na si Patrick John Tierro.

Wala namang naging problema sa tatlong napapaboran na manalo sa kompetisyong suportado pa ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, The Philippine Star, Head, Babolat, Compass/IMOST at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang makarating sa quarterfinals nang tinalo ang mga nakaharap.

Sina Tierro at Johnny Arcilla ay nangailangan lamang ng tig-55 minuto para makapasok na sa Last 8 at puwesto sa qualifying round sa 2015 Manila-ITF Men’s Futures Leg 2 sa susunod na buwan.

Ginamit ni Tierro ang malalakas na palo tungo sa 6-1, 6-0  panalo kay Noel Damian Jr., malawak na karanasan ang sinandalan ni Arcilla para wakasan ang kampanya ng 14-anyos qualifier na si Arthur Craig Pantino, 6-2, 6-1; habang galing sa serve and volley ang ipinakita ni Francis Casey Alcantara para sibakin si 12th seed Roel Capangpangan, 6-4, 6-3.

Haharapin ni Arcilla ngayon ang hitting partner at 8th seed na si Ronard Joven na umani ng 6-2, 6-0 panalo kay 10th seed Fritz Verdad

Isang match-up na pagtutuunan ng pansin ngayon ay ang pagkikita sa unang pagkakataon nina Alcantara at Alberto Lim Jr. na sinibak si Argil Lance Canizarez, 6-0, 6-1.

Ang 3rd seed na si Elbert Anasta ay nanalo kay Diego Dalisay, 6-3, 6-2  para makaharap si  5th seed Rolando Ruel Jr. na nanaig kay Alberto Villamor, 6-4, 6-1.

Samantala wala ring nalagas sa  walong seeded players sa women’s singles para malusutan ang se­cond round.

Tinalo ng top seed  na si Clarice Patrimonio si qualifier Crizzabelle Paulino, 6-0, 6-1 para makaharap ngayon si  8th seed Rafaella Villanueva na nanalo kay Kryshana Hitosis, 6-1, 6-2.

Ang second seed na si Marinel Rudas ay wagi kay Reisha Nillasca, 6-0, 6-0, para makasukatan si 7th pick Christine Patrimonio na nanaig kay Lenelyn Milo, 6-0, 6-1; si third seedEdilyn Balanga ay kuminang kay Sally Mae Siso, 6-1, 6-1, para makaharap si 5th seed Sjaira Hope Rivera na pinagpahinga si Frances Angelica Santiago, 6-2, 6-2: si 6th seed Hannah Espinosa ay binokya si Miles Vitaliano, 6-0, 6-0, para makasukatan si 4th pick Maia Balce na umani ng 6-0, 6-0, tagumpay kay Krizzele Sampaton. (AT)

ALBERTO LIM JR.

ALBERTO VILLAMOR

ANG

ARCILLA

ARGIL LANCE CANIZAREZ

ARTHUR CRAIG PANTINO

CEBUANA LHUILLIER

CHRISTINE PATRIMONIO

KAY

PARA

SEED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with