^

PSN Palaro

Gilas pinahiya ng Palestine sa FIBA Asia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippiens – Dumulas sa kamay ng Pilipinas ang 15-puntos na kalamangan matapos bumulusok sa payoff period ang Palestine diretso sa panalo, 75-73, sa FIBA Asia Men’s Chamionship sa Hunan, China.

Back-to-back na tres ang pinakawalan ni Abu Shamala upang maagaw ang kalamangan sa Pilipinas, 72-71, sa 1:38 mark ng fourth quarter.

Kinumpleto pa ni Salim Sakakini ang 13-2 run ng Palestine sa kaniyang 3-point play matapos siyan ma-foul ni Dondon Hontiveros diretso sa panalo.

Tumapos si Shamala na may double-double performance na 26 points at 15 rebounds, habang ang magkapatid na Sakakini ay nag-ambag ng pinagsamang 32 markers at 25 boards para sa una nilang panalo sa Group B.

Kaya pa sanang dalhin sa overtime o ipanalo ng Gilas ang laban sa natirang 18 seconds, ngunit nabutata ang three point attempt ni Andray Blatche mula sa kaliwang kanto.

Nasayang ang 21 points at 12 rebounds ni Blatche na naging dominante ang laro sa loob ng shaded area.

Sa pagkatalo ng Pilipinas ay kinakailangan nilang maipanalo ang mga sumusundo na laban kontra Hong Kong at Kuwait upang tumawid sa susunod na round.

vuukle comment

ABU SHAMALA

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA MEN

CHAMIONSHIP

DONDON HONTIVEROS

DUMULAS

GROUP B

HONG KONG

PILIPINAS

SALIM SAKAKINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with