3k runners lumahok sa Takbo para sa Marikina Watershed
MANILA, Philippines – Mahigit na 3000 mananakbo ang sumali sa Takbo para sa Marikina Watershed kahapon sa Marikina River Park sa Marikina City.
Ang karera ay pinaglabanan sa mga distansyang 10k, 5k at 3k at ang mga nagkampeon ay sina Michael Busitu (32:13) at Emily Nillyguin (48:22) sa 10k, Ike Jomao-As (19:27) at April Quiabao (26:23) sa 5k at Vincent Nicoyco (11:54) at Pamela Mae Marcelo (15:16) sa 3k.
Pinarangalan din ang 78-anyos na si Honorato Ednilag Jr. bilang pinakamatandang runner at ang 8-anyos na si Jhonrey Romero bilang pinakabata.
Dumalo rin ang actress-model na tubong Marikina na si Angel Aquino at nangako siya ng P5,000 kada buwan para sa adopt-a-caretaker program para sa Marikina Watershed program.
“Maraming salamat sa inyong lahat. Ang inyong tulong ay bumubuhay sa pag-asa ng Marikina na muling maisasaayos ang ating watershed na kailangang tamnan ng 28 milyong puno upang maging epektibong pandepensa laban sa mapaminsalang baha,” wika ni Marikina Mayor Del De Guzman.
Kabilang naman sa mga donors ang Rizal Metro Lions Club, Uratex,Philexport, Marikina Valley Host Lions Club, Security Bank, Deloitte, Asalus/Intellicare, Motolite, Cresto, at ALC.
- Latest