^

PSN Palaro

34th PCA Open-Cebuana Lhuillier Wildcard event: Alcantara, Tierro umabante sa Last 16

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Diskusyon sa pagitan ni Francis Casey Alcantara at ang umpire ang nag­lagay ng kulay sa one-sided match kontra kay Joel Atienza sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Tournament kahapon sa PCA clay court sa Paco, Manila.

“Nag-serve ako ng ace pero hindi niya nakita at tinawag ng player na net at sinabi niya net. Dapat ang umpire ang tatawag hindi ang player at susunod siya,” wika ni Alcantara sa nangyari.

Wala naman naging problema sa kanyang laro at kinailangan lamang ng 23-anyos na national player ang 54 minuto para angkinin ang 6-4, 6-2, panalo.

“Malakas  siyang mag-serve kaya ang ginawa ko ay hold lang at huwag ako ma-break sa serve ko,” pahayag ni Alcantara na hindi na-break sa kabuuan ng laro at nagpakawala pa ng 14 aces.

Sunod na kalaban ng seventh seed na si Alcantara ay ang mananalo sa pagitan nina 12th seed Roel Capangpangan at Kristian Tesorio sa round-of-16 sa Miyerkules.

“Pang-apat ko na ito sa PCA at nakadalawang semis ako. Kailangang magkaroon ako ng magandang performance rito at sa dalawang Futures para may makuhang sponsors. Mga three years ay magte-tennis pa ako bago magtrabaho,” dagdag ni Alcantara na nagtapos sa Pepperdine University sa USA sa kursong communication.

Hindi rin nagkaroon ng problema sina Patrick John Tierro at Johnny Arcilla nang kinalos ang mga nakalaban sa kompetisyong suportado ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, Head, Babolat, Compass/IMOSTI, Philippine Star at Sarangani Congressman Manny Pacquiao.

Dinaig ng nagdedepensang kampeon na si Tierro si Neil Tangalin, 6-1, 6-1, habang umani ang 7-time champion na si Arcilla ng 6-1, 6-0, tagumpay kay Abson John Alejandre.

“Nakapag-adjust na rin. Pero may mga unforced errors pa dahil kailangang tama ang galaw mo dahil mabagal ang court,” paha­yag ni Arcilla.

Sunod na kalaban ni Arcilla ang qualifier na si Arthur Craig Pantino na pinabagsak ang beteranong si Kyle Parpan,  5-7, 6-2, 6-0, habang si Tierro ay katunggali si Noel Damian Jr. na kinalos si 15th seed Arcie Mano, 6-7(8), 6-1, 6-2.

Sina fifth seed Rolan- do Ruel Jr., eight seed Ronard Joven at 10th seed Fritz Verdad ay umabante rin at tinalo ni Ruel si Leander La­zaro, 5-7, 6-1, 6-2; si Joven ay wagi kay Raymond Diaz, 6-1, 6-2 at si Verdad ay nangibabaw kay Mart Cla­rence Cabahug, 5-7, 6-1, 6-0.

Walang hirap namang umabante sa susunod na round si Stefan Suarez nang hindi sumipot sa laro ang ninth seed na si Marc Reyes. (AT)

ABSON JOHN ALEJANDRE

ACIRC

ANG

ARCIE MANO

ARCILLA

ARTHUR CRAIG PANTINO

CEBUANA LHUILLIER

FRANCIS CASEY ALCANTARA

FRITZ VERDAD

JOEL ATIENZA

JOHNNY ARCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with